Araling Panlipunan Gr. 7-10

Ang pag-unawa sa mga nakaraan at kasalukuyang kaganapan at paraan ng pamumuhay ng mga tao sa lipunan ay kinakailangan upang ang mga tao ay makatugon sa mga hamong dala ng patuloy na nagbabagong panahon. Ito ang nagsilbing inspirasyon ng mga may-akda upang likhain ang bagong serye ng Araling Panlipunan.

Ganap na nakabatay sa K to12 Gabay Pangkurikulum ng Kagawaran ng Edukasyon, ang mga binagong edisyong batayang aklat sa serye ay lalo pang pinaghusay at pinagyaman. Sa bawat paksa, halimbawa, ay naglagay ng pambungad na aktibidad at mga tanong (Magsimula Ka) upang magsilbing pangganyak sa mga mag-aaral patungo sa mga isyung tatalakayin. Sa hulihan ng leksiyon ay naglagay naman ng mga suplementong impormasyon na mahalagang matutuhan ng mga mag-aaral (Pagpapayaman sa Kaalaman).

Updated o napapanahon ang mga impormasyon, gayundin ang mga halimbawa, at sa mga angkop na bahagi ay naglagay ng mga interesanteng e-learning activities habang itinataguyod ang pagkatutong konstruktibismo (constructivism), magkatuwang na pagkatuto (collaborative learning), at pagkatutong pangkaranasan at pangkonteksto.

Pinakahahangad ng mga may-akda na ang mga aklat na ito ay makatulong na makalinang ng isang buo at ganap na Pilipinong may kapaki-pakinabang na literasi at mga mamamayang kapaki-pakinabang sa lipunan.

Category:
Compare
Description

AP Asya (New 2020) Gr. 7 ISBN: 978-971-655-616-2

AP Daigdig (New 2020) Gr. 8 ISBN: 978-971-655-615-5

AP Ekonomiks (New 2020) Gr. 9 ISBN: 978-971-655-614-8

AP Mga Kontemporaryong Isyu 10 ISBN: 978-971-655-613-1

Reviews (0)

Reviews

There are no reviews yet.

Be the first to review “Araling Panlipunan Gr. 7-10”

Your email address will not be published. Required fields are marked *