Araling Panlipunan Gr. 7-10

Ang pagiging maalam sa mga pangyayari at kaparaanan sa lipunang ating ginagalawan ay isang mahalagang salik upang tayo ay makatugon at makaakma sa mga hamong dala ng patuloy na nagbabagong panahon. Bawat isa sa atin ay may mahalagang tungkuling ginagampanan sa lipunan tungo sa higit na papapaunlad at pagpapayaman nito lalong-lalo na sa aspetong pangkultura, pampolitika, at pang-ekonomiya. Ang kaisipang ito ang naging tanglaw ng mga may-akda upang buuin ang serye ng Araling Panlipunan.

Ang serye ay binuo kaakibat ng pagnanais ng mga akda na magsilbing gabay sa bawat mag-aaral sa kanilang pagharap sa mga hamon at pangangailangan ng kasalukuyang panahon. Ang mga kaalaman, kasanayan, at pag-unawang hatid ng seryeng ito ay ibinatay sa napapanahong K to 12 Kurikulum ng Kagawaran ng Edukasyon.

Sinikap ng mga may-akda na ang mga karunungan, pagsasanay, pagsubok, at mga gawain para sa pagsasabuhay ay maiakma sa interes, katangian, at kakayahan ng mga makabagong mag-aaral ng makabagong panahon upang higit nilang mabigyang halaga at maisakatuparan ang kanilang tungkulin bilang mabubuti at produktibong mamamayan ng lipunan.

May Akda
Jay Son C. Batang

Category:
Compare
Description

AP: Asya © 2020 Gr. 7  ISBN: 978-971-655-616-2

AP: Daigdig © 2020Gr. 8 ISBN: 978-971-655-615-5

AP: Ekonomiks © 2020 Gr. 9 ISBN: 978-971-655-614-8

AP: Mga Kontemporaryong Isyu © 2020 Gr. 10 ISBN: 978-971-655-613-1

 

Reviews (0)

Reviews

There are no reviews yet.

Be the first to review “Araling Panlipunan Gr. 7-10”

Your email address will not be published. Required fields are marked *