BINHI K1, K2, N
Ang serye para sa Pinagyamang Binhi K to 12, alinsunod sa inihanay na mga kasanayan sa pagkatutong itinadhana sa K to 12 Kindergarten Curriculum Guide ng Kagawaran ng Edukasyon (DepED), ay masusing ibinalangkas at isinulat sa layuning mabisang maisulong ang pisikal, sosyal, emosyonal, at pag-unlad na intelektuwal, kabilang ang values formation para maihanda ang mga batambatang mag-aaral tungo sa mas mataas na antas ng pag-aaral ng asignaturang Filipino.
Masinop na ibinalangkas ang mga aralin sa apat na yunit upang matugunan ang itinadhana ng K to 12 Kurikulum na may mga temang—
1. Ako at mga Bagay-Bagay Tungkol sa Aking Sarili
2. Ako at ang Masaya Kong Pamilya
3. Ako at ang Aking Paaralan
4. Ako at ang Aking Pamayanan at Marami Pang Bagay sa Aking Paligid
Ang bawat aralin ay nahahati sa:
• Pag-aralan Natin – Ito ay ang lunsaran sa paglinang ng nakatakdang aralin.
• Sagutin Natin – Sa bahaging ito, nagtatanong ang guro tungkol sa pinakinggang lunsaran.
• Subukin Natin – Magaan na antas ng pagsasanay sa paksang-aralin ng mga mag-aaral.
• Sanayin Natin – Higit na mapanghamong antas ng pagsasanay sa paksang-aralin ng mga mag-aaral.
• Pagtibayin Natin – Pagsasanay na nagsusulong sa ganap na pagkatuto sa paksang-aralin ng mga mag-aaral.
• Maglibang at Matuto – Dagdag na pagpapatibay sa pagkatuto ng aralin sa pagsasakatuparan ng mga kawili-wiling gawain.
Nawa ang seryeng ito ay maging matibay na sanligan sa pagsulong ng kaalaman at kasanayan ng mga batambatang mag-aaral.
Sa Iyo ang papuri, Panginoon!
May Akda/Editor
Ester V. Raflores
Binhi (Pinagyamang Edisyon) – Kinder 1 ISBN: 978-971-655-622-3
Binhi (Pinagyamang Edisyon) – Kinder 2 ISBN: 978-971-655-623-0
Binhi (Pinagyamang Edisyon) – Nursery ISBN: 978-971-655-621-6
Reviews
There are no reviews yet.