BINHI (Pinagyamang Edisyon) Gr. 1-6

Bilang mga guro, lubos ang pagpapahalaga ng mga may-akda ng seryeng BINHI sa pagtatamo ng tama at angkop na edukasyon ng mga batang mag-aaral na Pilipino.

Samantala, isinaalang-alang din sa paghahanda ng bawat level ng serye ang layuning maging katuwang ng mga kapuwa gurong nagtuturo ng Filipino sa pagpupunla ng pundasyon at pagpapayabong ng mga kaalaman, kasanayan, at pagpapahalagang magagamit nang marapat ng isang bata para maging mahalagang bahagi ng kaniyang pamilya, ng lipunang kinabibilangan, at ng Inang Bayan.

Ang pinagyamang edisyon ng Binhi: Wika at Pagbasa ay alinsunod sa pinakabagong K to 12 Gabay Pangkurikulum at Ortograpiyang Pambansa ng Komisyon sa Wikang Filipino. Sa pagbabalangkas nito, unang isinaalang-alang ang mga bagong kalakaran para masinop na mailakip ang dagdag na mga kaalaman at kasanayan sa kabuuan ng bawat level ng serye. Pinanatili ang spiral approach sa dahilang ito ang pinakamabisang pagdulog para sa mga batang mag-aaral sa elementarya na nagsisimula pa lamang sa pagkatuto ng mga aralin sa wika at mga kasanayan sa pagbasa. Tiniyak din na ang mga kasanayan sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa, pagsulat, at panonood ay malilinang sa iba’t ibang bahagi ng aklat.

Bagaman ang pangunahing layon sa pagbuo ng seryeng ito ay maging instrumento sa pagkatuto ng mga batang mag-aaral, isinaisip din ng mga may-akda na maging abot-kamay sa mga kaguro ang mga kabatiran at maraming pagsasanay na agarang magagamit sa paghahanda at pagsasakatuparan ng pagtuturo. Makatutulong din sa pagpapagaan ng paghahanda ang paggamit ng Gabay sa Pagtuturo kung saan nakalakip ang mga mungkahing gawain sa pagtuturo ng pinagsanib na wika at pagbasa at ang mga gabay sa pagwawasto ng mga pagsasanay.

Taos ang pag-asa na ang pinagyamang edisyon ng Binhi: Wika at Pagbasa ay makatutulong sa paglinang ng isang buo at ganap na Pilipinong may kapaki-pakinabang na literasi na magagamit sa pagtatamo ng isang matiwasay at magandang kinabukasan. Purihin ang Panginoon!

 

May Akda

Ester V. Raflores

Category:
Compare
Description

BINHI Wika at Pagbasa sa Elementarya (Pinagyamang Edisyon – Gr. 1 ISBN: 978-971-655-597-4

BINHI Wika at Pagbasa sa Elementarya (Pinagyamang Edisyon – Gr. 2 ISBN: 978-971-655-598-1

BINHI Wika at Pagbasa sa Elementarya (Pinagyamang Edisyon – Gr. 3 ISBN: 978-971-655-599-8

BINHI Wika at Pagbasa sa Elementarya (Pinagyamang Edisyon – Gr. 4 ISBN: 978-971-655-600-1

BINHI Wika at Pagbasa sa Elementarya (Pinagyamang Edisyon – Gr. 5 ISBN: 978-971-655-601-8

BINHI Wika at Pagbasa sa Elementarya (Pinagyamang Edisyon – Gr. 6 ISBN: 978-971-655-602-5

Reviews (0)

Reviews

There are no reviews yet.

Be the first to review “BINHI (Pinagyamang Edisyon) Gr. 1-6”

Your email address will not be published. Required fields are marked *