Aralin Panlipunan Elementary Series Gr. 1-6

            Ang serye ng Araling Panlipunan ay nakabatay sa K to 12 Araling Panlipunan Kurikulum na nagsasaalang – alang sa mithiin ng Eduakasyon para sa lahat ng 2015 (Education for all 2015) at ng K to 12 Philippines Basic Education Curriculum Framework. Sa K to 12 Araling Panlipunan Kurikulim. Ang “kaalaman, kasanayan at aktitud ay pawang binubuo ng pinagsabin na konsepto/teme/paksa at proseso/pamamaraan /dulog ng agham panlipunan at humanidades upang maihanda ang kabataan tungo sa pagiging mapanagutang mamamayan ng pamayanan, bansa at daigdig.” Binuo ito bilang tugon sa misyon ng K to 12 Araling Panlipunan Kurikulum na “makakalikasan, makabansa at makatao na may pambansa at pandaigdigang pananaw at pagpapahalaga sa mga usapin sa lipunan sa nakaraan, kasalukuyan at hinaharap.”

Sa bawat aklat ng serye, binibigyang – diin ang PAG-UNAWA (understanding) at HINDI ANG PASASAULO ng mga konsepto at terminolohiya. Ang pagkatuto ng kaalaman (knowledge/substance), kasanayan (skills/process) at aktitud (attitudes/values) bilang kakayahan (competences) sa loob ng kurikulum ay magkakasabay na nililinang. Sa bawat paksang pinag-aaralan ang mag-aaral ay kinakailangang makabuo ng saraling kahulugan at pagpapakahulugan at ang pagsasalin ng pagkatuto sa ibang konteksto partikular ang aplikasyon nito sa tunay na buhay na may kabuluhan mismo sa kanya at sa lipunang kanyang ginagalawan, bilang pagpapatunay ng kanyang malalim na pang-unawa sa aralin.

Category:
Compare
Description

Aralin Panlipunan (Ako’y Batang Pilipino) – Gr. 1 ISBN: 978-971-655-411-3

Aralin Panlipunan (Ang Pamayanang Pilipino) – Gr. 2 ISBN: 978-971-655-412-0

Aralin Panlipunan (Ang Mga Lalawigan sa Aking Rehiyon )– Gr. 3 ISBN: 978-971-655-471-7

Aralin Panlipunan (Ang Bansang Pilipinas) – Gr. 4 ISBN: 978-971-655-472-4

Aralin Panlipunan (Pagbuo ng Pilipinas Bilang Nasyon) – Gr. 5 ISBN: 978-971-655-507-3

Aralin Panlipunan (Mga Hamon at Tugon sa Pagkabansa) – Gr. 6 ISBN: 978-971-655-508-0

Reviews (0)

Reviews

There are no reviews yet.

Be the first to review “Aralin Panlipunan Elementary Series Gr. 1-6”

Your email address will not be published. Required fields are marked *