TANGLAW sa Kagandahang Asal at Wastong Pag-uugali (1-6)

Ang TANGLAW sa Kagandahang Asal at Wastong Pag-uugali ay serye ng mga aklat-pampaaralan sa Good Manners and Right Conduct (GMRC) para sa mga mag-aaral sa elementarya.

Ang bawat aklat sa serye ay sumusunod sa mga pangunahing layunin at pamantayan ng programa ng Batayang Edukasyon ng K to 12 ayon sa Republic Act. No. 11476, o ang GMRC at Values Education Act, na naglalayong mapalaganap ang pag-unawa sa tama at mabuting asal, pati na rin ang pagpapahalaga sa mga itinakda ng kultura at lipunang Pilipino.

Layon ng serye ang pagtuturo sa mga mag-aaral ng kaalaman, pag-unawa, at kasanayan sa pagpapasiya at pagpapamalas ng mga birtud (virtues) sa pamamagitan ng mga aralin at gawaing nagpapalakas ng kanilang karakter. Hangad ng serye na magabayan sila na makagawa ng mga pasiyang etikal at moral, at tulungan silang maisakatuparan ang kanilang misyon sa buhay bilang mga mamamayang Pilipino na nagtataguyod ng katotohanan, kapayapaan, katarungan, at pagmamahal sa kapuwa.

Ipinalalaganap ng serye ang anim na pangunahing kasanayan (macro skills)—pag-unawa, pagninilay, pagsangguni, pagpapasiya, pagkilos, at pagsasabuhay—upang magampanan ng mga mag-aaral ang mga pamantayang itinakda para sa kanilang paglago at pagpapakabuti bilang mga mamamayan.

Category:
Compare
Description
Level ISBN Authors
1 978-971-655-711-4 Reynaldo N. De Leon / Socorro Brillantes-de Gula
2 978-971-655-712-1 Reynaldo N. De Leon / Socorro Brillantes-de Gula
3 978-971-655-713-8 Elizabeth A. Auxillo
4 978-971-655-714-5 Celine L. De Guzman / Paolo L. De Guzman
5 978-971-655-715-2 Celine L. De Guzman / Paolo L. De Guzman
6 978-971-655-716-9 Paolo L. De Guzman / Jay Son C. Batang
Reviews (0)

Reviews

There are no reviews yet.

Be the first to review “TANGLAW sa Kagandahang Asal at Wastong Pag-uugali (1-6)”

Your email address will not be published. Required fields are marked *