Makabagong BINHI (Wika at Pagbasa para sa Elementarya) (2-6)

Ang serye ng Makabagong BINHI (Wika at Pagbasa para sa Elementarya) ay alinsunod sa kahingian ng Revised K to 10 Kurikulum (MATATAG) para sa asignaturang Filipino na itinakda ng Kagawaran ng Edukasyon (Department of Education o DepEd). Ang bawat batayang aklat sa serye ay idinisenyo upang linangin ang literasi, kakayahang komunikatibo, kritikal na pag-iisip, mapanuring pag-unawa sa iba’t ibang uri ng teksto, at pagpapahalaga sa sariling kultura ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng mga tekstong makabayan at makabagong pamamaraan ng pagtuturo, tinutulungan ng Makabagong BINHI ang mga mag-aaral na maging handa sa hamon ng makabagong panahon na kasabay na pinagyayaman ang kanilang pagkatao bilang mga responsableng Pilipino at bilang global na mga mamamayan.

Pinagtuonan ng nasabing kurikulum ang tatlong pangunahing ideya-ang mga ito ay ang Literasi, Wika, at Teksto. Isinaalang-alang ang mga ito sa pagbabalangkas ng serye.

Gumagamit ang seryeng ito ng mga progresibo at integratibong pagdulog na pinag-uugnay ang mga aralin upang makamit ang holistikong pagkatuto. Naglalaman din ang bawat batayang aklat ng seryeng ito ng mga gawain at tekstong angkop sa lebel ng mga mag-aaral na lilinang at magpapahusay sa kanilang mga kasanayan sa iba’t ibang aspekto ng pag-unlad na nagbibigay-diin sa aplikasyon ng pagkatuto sa tunay na buhay na isang mahalagang hakbang tungo sa pagiging matatag na mga mamamayan sa loob at labas ng bansa.

Taos ang pag-asa na ang Makabagong BINHI (Wika at Pagbasa para sa Elementarya) ay makatutulong sa paglinang ng isang buo at ganap na Pilipinong may kapaki-pakinabang na literasi na magagamit sa pagtatamo ng isang matiwasay at magandang kinabukasan.

Category:
Compare
Description
Level ISBN Authors
2 978-971-655-767-1 Regine B. Cleofas / Felizi A. Benedicto
3 978-971-655-768-8 Regine B. Cleofas
4 978-971-655-769-5 Felizi A. Benedicto
5 978-971-655-770-1 Marissa T. Nuegas
6 978-971-655-771-8 Marissa T. Nuegas
Reviews (0)

Reviews

There are no reviews yet.

Be the first to review “Makabagong BINHI (Wika at Pagbasa para sa Elementarya) (2-6)”

Your email address will not be published. Required fields are marked *