Treehouse (Math) Kindergarten
The Treehouse Preschool Learning Kit: Math Series is an educational package developed to prepare young learners for 21st century skills and competencies following the K to 12 Kindergarten Curriculum Guide of the Department of Education (DepED).
Each book in the series is designed and created to provide preschoolers the basic knowledge about the fundamental concepts in studying the Math subject and to help the apply said concepts in facing real-life challenges. The topics an their corresponding activities-organized from simple to complex-are easy-to-understand, meaningful, and fun!
The books in Treehouse Preschool Learning Kit: Math Series are keys that would unlock each preschooler's full potential and unique strengths.
The Marvels of Math 1-6
The Marvels of Math is a dynamic and engaging book series for Grades 1 to 6, carefully aligned with the Revised K to 10 Curriculum (MATATAG) of the Department of Education (DepEd). It is designed to make mathematics both meaningful and enjoyable by transforming abstract concepts into exciting adventures through real-life connections, interactive activities, and structured lessons. Aligned with the curriculum standards, the book includes sections such as Gear Up, Aim It, Math-Venture Time, Brain Boosters, Marvelous Math Missions, My Math Milestones, and Math with a Purpose. At the end of every quarter, learners take the Crossing the Posttest Finish Line, a comprehensive assessment that reviews the skills covered throughout the quarter. Each component builds mastery step-by-step, ensuring that learners are prepared for each grade level and helping them develop essential math skills, along with critical thinking, creativity, and problem-solving abilities. Additionally, these features provide clear checkpoints for learners, teachers, and parents, reinforcing accountability and promoting a sense of achievement.
The Marvels of Math turns every lesson into an adventure! With engaging activities, real-life connections, and values integration, this Grade 1-6 book series makes math fun, meaningful, and purposeful. Each lesson sparks curiosity with illustrations, relatable scenarios, and engaging challenges that encourage learners to see math everywhere-in nature, at home, in play, and in the community.
Whether it is discovering shapes in the environment, managing time and money wisely, exploring data, or solving puzzles and number problems with friends, The Marvels of Math inspires children to become lifelong learners who view mathematics as a marvel waiting to be explored. By combining solid academic foundations with creativity and character building, this series provides learners with the knowledge, skills, and values necessary for success in school and in life.
MAKABANSA Series (English Version) 1-3
The series of books in MAKABANSA for Grades 1, 2, and 3 is based on the MATATAG Curriculum. MAKABANSA is the newly coined learning area for learners in Key Stage 1 covering Grades 1, 2, and 3. It is a transdisciplinary curriculum wherein its scope covers Civics, Arts, Culture, History, and Physical & Health Education.
The new Makabansa learning area will mold the knowledge, skills, and attitudes of learners that they will need in building oneself and cultural awareness.
The series aims to develop active, healthy, and creative learners through developing critical skills based on deeper understanding of Civics, Arts, Culture, History and Physical & Health Education.
In general, values related to one’s identity, creativity, health, and interaction with fellowmen and other aspects of the society will lead the learners in being holistic Filipinos equipped with the 21st century skills.
Science and the New World (Enhanced Edition) 1-6
The occurrence of inevitable natural distress instantly affects different areas of people's lives, learning included. It can disarrange education systems all over the world in unprecedented ways. There was a rush to develop learning modules to facilitate the immediate demand for a quick shift from traditional face-to-face learning experience to remote or digital learning mode. Looking at the scenario at a bigger picture, there is a call not simply to move forward, but to brave each day with resilience and optimism. An interim distance learning program was eventually put in place, but the marginalized learners were put at a disadvantage.
The books in Science and the New World Series are developed on that premise. The mode of instruction, though designed for classroom-oriented learning, is readily adaptable for remote learning; the development of skills, presented with increasing levels of complexity from one grade level to another, is simplified to allow students to do more and create more; and the assessment tools are relatable and relevant, promoting meaningful understanding and application of concepts.
Science and the New World is not just a book series for the Science subject. It is a toolkit that molds active learners into community leaders who look at the world with enthusiasm, optimism, and responsibility.
Makabagong BINHI (Wika at Pagbasa para sa Elementarya) 2-6
Ang serye ng Makabagong BINHI (Wika at Pagbasa para sa Elementarya) ay alinsunod sa kahingian ng Revised K to 10 Kurikulum (MATATAG) para sa asignaturang Filipino na itinakda ng Kagawaran ng Edukasyon (Department of Education o DepEd). Ang bawat batayang aklat sa serye ay idinisenyo upang linangin ang literasi, kakayahang komunikatibo, kritikal na pag-iisip, mapanuring pag-unawa sa iba't ibang uri ng teksto, at pagpapahalaga sa sariling kultura ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng mga tekstong makabayan at makabagong pamamaraan ng pagtuturo, tinutulungan ng Makabagong BINHI ang mga mag-aaral na maging handa sa hamon ng makabagong panahon na kasabay na pinagyayaman ang kanilang pagkatao bilang mga responsableng Pilipino at bilang global na mga mamamayan.
Pinagtuonan ng nasabing kurikulum ang tatlong pangunahing ideya-ang mga ito ay ang Literasi, Wika, at Teksto. Isinaalang-alang ang mga ito sa pagbabalangkas ng serye.Gumagamit ang seryeng ito ng mga progresibo at integratibong pagdulog na pinag-uugnay ang mga aralin upang makamit ang holistikong pagkatuto. Naglalaman din ang bawat batayang aklat ng seryeng ito ng mga gawain at tekstong angkop sa lebel ng mga mag-aaral na lilinang at magpapahusay sa kanilang mga kasanayan sa iba't ibang aspekto ng pag-unlad na nagbibigay-diin sa aplikasyon ng pagkatuto sa tunay na buhay na isang mahalagang hakbang tungo sa pagiging matatag na mga mamamayan sa loob at labas ng bansa.
Taos ang pag-asa na ang Makabagong BINHI (Wika at Pagbasa para sa Elementarya) ay makatutulong sa paglinang ng isang buo at ganap na Pilipinong may kapaki-pakinabang na literasi na magagamit sa pagtatamo ng isang matiwasay at magandang kinabukasan.
MAKABANSA Series (Filipino Version) 1-3
Ang serye ng mga aklat sa MAKABANSA para sa Unang Baitang hanggang sa lkatlong Baitang ay nakabatay sa MATATAG Kurikulum. Makabansa ang bagong katawagan para sa asignatura sa Unang Yugto ng Pagkatuto (Key Stage 1) para sa mga mag-aaral mula sa Unang Baitang hanggang sa lkatlong Baitang. Ito ay isang transdisiplinaryong kurikulum, sapagkat saklaw nito ang Sibika, Sining, Kultura, Kasaysayan, at Kagalingang Pangkatawan at Pangkalusugan.
Ang pagpapakilala sa bagong asignaturang Makabansa ay huhubog sa kaisipan, kasanayan, at pag-uugali ng mga mag-aaral na kanilang kakailanganin upang malinang ang pagbuo nila ng pansarili at pangkulturang kamulatan.
Layon ng seryeng ito na mahubog ang pagIgmg aktibo, malusog, at pagkamalikhain ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng paglinang ng mahahalagang kasanayang hinango sa malalim na kaisipan ng Sibika, Sining, Kultura, Kasaysayan, at Kagalingang Pangkatawan at Pangkalusugan.
Sa pangkalahatan, ang mga pagpapahalaga sa pagkakakilanlan, pagkamalikhain, pagkamalusog, at pakikipag-ugnayan sa kapuwa at sa iba pang aspekto ng lipunan ang siyang aakay sa mga mag-aaral sa landas tungo sa pagiging holistikong Pilipinong taglay ang ika-21 siglong kasanayan.
Araling Panlipunan Series 4-6
Ang serye ng mga batayang aklat sa Araling Panlipunan para sa lkaapat hanggang lkaanim na Baitang ay nakabatay sa MATATAG Kurikulum ng Kagawaran ng Edukasyon (Department of Education o DepEd) para sa mga mag-aaral sa lkalawang Yugto ng Pagkatuto (Key Stage 2).
lsinaalang-alang ang mga mithiin ng kurikulum at sinundang mabuti ang mga isinasaad nitong mga nilalaman, kasanayang pampagkatuto, pamantayang pangnilalaman, at pamantayan sa pagganap.
Ang serye ay binubuo ng mga batayang aklat na may magkakatulad na balangkas at pagkakaugnay-ugnay para sa mga mag-aaral sa para sa ikaapat hanggang ikaanim na baitang.
Layunin ng serye na hubugin ang mga Pilipinong mag-aaral na maging mapanuri, produktibo, at responsable sa lipunan, na may malalim na pag-unawa sa kanilang kultura at kasaysayan, pagmamahal sa bansa, at kaalaman sa mga isyung panlipunan at pampolitika.
Sa pamamagitan ng mga makabuluhang aralin at mga angkop na aktibidad na nakapaloob sa mga batayang aklat, hinahangad ng serye na maituro sa mga mag-aaral ang mga kasanayan tulad ng kritikal na pag-iisip, pagsusuri sa mga sanggunian, at pagbibigay-solusyon sa mga suliraning panlipunan.
TANGLAW sa Kagandahang Asal at Wastong Pag-uugali 1-6
Ang TANGLAW sa Kagandahang Asal at Wastong Pag-uugali ay serye ng mga aklat-pampaaralan sa Good Manners and Right Conduct (GMRC) para sa mga mag-aaral sa elementarya.
Ang bawat aklat sa serye ay sumusunod sa mga pangunahing layunin at pamantayan ng programa ng Batayang Edukasyon ng K to 12 ayon sa Republic Act. No. 11476, o ang GMRC at Values Education Act, na naglalayong mapalaganap ang pag-unawa sa tama at mabuting asal, pati na rin ang pagpapahalaga sa mga itinakda ng kultura at lipunang Pilipino.
Layon ng serye ang pagtuturo sa mga mag-aaral ng kaalaman, pag-unawa, at kasanayan sa pagpapasiya at pagpapamalas ng mga birtud (virtues) sa pamamagitan ng mga aralin at gawaing nagpapalakas ng kanilang karakter. Hangad ng serye na magabayan sila na makagawa ng mga pasiyang etikal at moral, at tulungan silang maisakatuparan ang kanilang misyon sa buhay bilang mga mamamayang Pilipino na nagtataguyod ng katotohanan, kapayapaan, katarungan, at pagmamahal sa kapuwa.
Ipinalalaganap ng serye ang anim na pangunahing kasanayan (macro skills)—pag-unawa, pagninilay, pagsangguni, pagpapasiya, pagkilos, at pagsasabuhay—upang magampanan ng mga mag-aaral ang mga pamantayang itinakda para sa kanilang paglago at pagpapakabuti bilang mga mamamayan.
READING Experience Gr. 1
Mastering all reading skills is of utmost importance because it is not only in the Reading subject that we use these, but in all learning areas and other facets of life as well.
The reality of individual differences is also something we cannot take for granted, so that it is a necessity that we provide for the needs of heterogeneous groups. Still, we cannot sacrifice the interest of learners in the type of selections we offer them.
We believe that if learners are made to read interesting materials, learning becomes fun and the skills they get stay with them longer. With that in mind, the authors have decided to include selections that—are very interesting, teach values, clearly develop the skills required by the curriculum guide, will inspire the learners to enhance their learning capacity, and will give them a positive outlook in life.
Because education is a continuous process. We continue to learn as we travel in life. Let us grab the opportunity to help develop and lead the minds of children entrusted to us, by serving as examples and helping them become better citizens. In the end, we, will receive the reward God offers to those who will lead “the little ones” to Him.
LANGUAGE Experience Gr.1
Language Experience is a carefully designed set of learning materials in elementary. It aims to empower the learners in communicating ideas.
Confidence is gained through clear understanding of the different language forms and sufficient exercises within their experience that are provided after each lesson.
This self-appreciation gives the learners the power to use, explore, and enrich the skills learned in oral and written works.
With the teacher’s persistence and skillful guidance, coupled with the parents’ active concern and participation, the learners will positively gain the power to communicate effectively.
Sinag sa Ika-21 Siglo Gr. 7-10
Ang Sinag sa Ika-21 Siglo ay isang Liwanag na pumapawi sa dilim. Isang liwanag nan ais makita ng lahat at maging gabay at inspirasyon sa paglalakbay upang matamo ang minimithing tagumpay at maging kalasag sa mga hamon ng buhay.
Ito ang hangarin ng mga may-akda sa pagbuo ng serye – ang maging gabay o Liwanag sa pagkamit ng mithiin ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng paghahasa ng kanilang mga kasanayan na kinakailangan sa pagharap sa tunay na hamon ng buhay. Ang hamon na ito ang pinakasentro din sa pagbuo ng Kagawaran ng Edukasyon (Department of Education o DepEd) ng K to 12 Kurikulum. Ito ay upang matugunan ang pangangailangan ng ating lipunan at ng mga mag-aaral sa kasalukuyang panahon.
Kaakibat ng layuning ito, makikita sa bawat yunit ang iba’t ibang uri ng babasahing makakatulong sa mga mag-aaral sa pag-unawa sa minanang kultura ng mga Pilipino mula pa sa mga ninuno, sa mga dayuhang sumakop sa bansa, mga bansa sa Asya, at iba pang panig ng mundo. Ang mga aralin sa wika ay ayon din sa pangangailangan ng bawat indibidwal upang higit na magamit sa pakikipagtalastasan at pakikipag-ugnayan sa kabuuan - maging ito ay pasulat o pasalita man.
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan Gr. 4-6
Ang EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN (Dynamic Series in HELE) ay batay sa K to 12 Basic Education Curriculum na itinakda ng Department of Education upang linangin ang kaalaman at mga kasanayan ng mga mag-aaral sa mga larangan ng Entrepreneurship, Information and Communications Technology (ICT), Agrikultura, Edukasyong Pantahanan (Home Economics), at Industrial Arts. Isinama sa seryeng ito ang entrepreneurship sa lahat ng bahagi ng Home Economics and Livelihood Education. Nialayon din ng seryeng ito na palakasin ang mabuting relasyon sa loob ng pamilya, komunidad, at bansa.
Ang mga aralin at mga aktibidad sa bawat aklat ay nakabatay sa mga konsepto, proseso, at kaugaliang kinakailangan para umunlad ang kakayahang teknolohikal at kasanayang pang-entrepreneurial ng mga mag-aaral. Idinisenyo ang mga ito upang tiyakin ang mabisang pagkatuto sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok at nagsama rin ng mga proyektong kaakit-akit para sa mga mag -aaral upang iparamdam sa kanila ang diwa ng entrepreneurial at himukin silang makapagtayo ng kanilang sariling mga Negosyo upang maging produktibo at responsableng indibidwal, miyembro ng pamilya, at mamayang Pilipino.





















