Tanglaw sa Kagandahang Asal at Wastong Pag-uugali 7-10
Tungkol sa Serye
Ang Tanglaw sa Kagandahang Asal at Wastong Pag-uugali ay serye ng mga aklat sa Edukasyon sa Pagpapahalaga na idinisenyo bilang tugon sa itinakda ng Republic Act No. 11476 o GMRC and Values Education Act. Layunin ng seryeng ito na magsilbing gabay sa paglinang, pagpapatatag, at pagsasabuhay ng mga pagpapahalagang moral at etikal na maghuhubog sa kabataang Pilipino bilang responsableng mamamayan.
Sinusunod ng seryeng ito ang kabuuang istruktura ng kurikulum—mula sa Pamantayan sa Bawat Yugto at Pamantayan sa Bawat Baitang, hanggang sa Nilalaman, Pamantayang Pangnilalaman, Mga Kasanayang Pampagkatuto, at Pamantayan sa Pagganap. Kalakip nito ang malinaw na pagtukoy sa mga lilinanging pagpapahalaga sa bawat aralin upang matiyak na ang pagkatuto ay hindi lamang nakatuon sa kaalaman, kundi sa aktuwal na pagsasabuhay ng kabutihan.
Binuo rin ang mga aklat batay sa Spiral Progression Approach kung saan ang mga konsepto at pagpapahalaga ay unti-unting pinalalalim habang tumataas ang baitang. Tinitiyak ng vertical articulation ang tuloy-tuloy na paglinang ng mga pagpapahalaga mula sa mababang baitang hanggang sa mas mataas na antas, samantalang pinagtitibay ng horizontal articulation ang ugnayan ng Values Education sa iba pang asignatura at karanasan ng mga mag-aaral. Ang mga aralin sa serye ay iniuugnay sa mga isyung panlipunan at sa mga temang may kinalaman sa pagmamahal sa sarili, pamilya, kapuwa, Diyos, kalikasan, bayan, at sanlibutan upang maging makabuluhan at napapanahon ang pagkatuto.
Sa kabuuan, ang seryeng ito ay naglalayong ihanda ang mga mag-aaral hindi lamang para sa paaralan kundi para sa tunay na buhay—bilang mga taong may dignidad, may malasakit, at may kakayahang kumilos para sa kabutihan ng lahat.












Reviews
There are no reviews yet.