Araling Panlipunan Series (4-6)
Ang serye ng mga batayang aklat sa Araling Panlipunan para sa lkaapat hanggang lkaanim na Baitang ay nakabatay sa MATATAG Kurikulum ng Kagawaran ng Edukasyon (Department of Education o DepEd) para sa mga mag-aaral sa lkalawang Yugto ng Pagkatuto (Key Stage 2).
lsinaalang-alang ang mga mithiin ng kurikulum at sinundang mabuti ang mga isinasaad nitong mga nilalaman, kasanayang pampagkatuto, pamantayang pangnilalaman, at pamantayan sa pagganap.
Ang serye ay binubuo ng mga batayang aklat na may magkakatulad na balangkas at pagkakaugnay-ugnay para sa mga mag-aaral sa para sa ikaapat hanggang ikaanim na baitang.
Layunin ng serye na hubugin ang mga Pilipinong mag-aaral na maging mapanuri, produktibo, at responsable sa lipunan, na may malalim na pag-unawa sa kanilang kultura at kasaysayan, pagmamahal sa bansa, at kaalaman sa mga isyung panlipunan at pampolitika.
Sa pamamagitan ng mga makabuluhang aralin at mga angkop na aktibidad na nakapaloob sa mga batayang aklat, hinahangad ng serye na maituro sa mga mag-aaral ang mga kasanayan tulad ng kritikal na pag-iisip, pagsusuri sa mga sanggunian, at pagbibigay-solusyon sa mga suliraning panlipunan.
| Level | ISBN | Authors |
| 1 | 978-971-655-753-4 | Elizabeth A. Auxillo |
| 2 | 978-971-655-754-1 | Celine L. De Guzman / Jens Micah L. De Guzman |
| 3 | 978-971-655-755-8 | Celine L. De Guzman / Jens Micah L. De Guzman |










Reviews
There are no reviews yet.