MAKABANSA Series (Filipino Version) (1-3)

Ang serye ng mga aklat sa MAKABANSA para sa Unang Baitang hanggang sa lkatlong Baitang ay nakabatay sa MATATAG Kurikulum. Makabansa ang bagong katawagan para sa asignatura sa Unang Yugto ng Pagkatuto (Key Stage 1) para sa mga mag-aaral mula sa Unang Baitang hanggang sa lkatlong Baitang. Ito ay isang transdisiplinaryong kurikulum, sapagkat saklaw nito ang Sibika, Sining, Kultura, Kasaysayan, at Kagalingang Pangkatawan at Pangkalusugan.

Ang pagpapakilala sa bagong asignaturang Makabansa ay huhubog sa kaisipan, kasanayan, at pag-uugali ng mga mag-aaral na kanilang kakailanganin upang malinang ang pagbuo nila ng pansarili at pangkulturang kamulatan.

Layon ng seryeng ito na mahubog ang pagIgmg aktibo, malusog, at pagkamalikhain ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng paglinang ng mahahalagang kasanayang hinango sa malalim na kaisipan ng Sibika, Sining, Kultura, Kasaysayan, at Kagalingang Pangkatawan at Pangkalusugan.

Sa pangkalahatan, ang mga pagpapahalaga sa pagkakakilanlan, pagkamalikhain, pagkamalusog, at pakikipag-ugnayan sa kapuwa at sa iba pang aspekto ng lipunan ang siyang aakay sa mga mag-aaral sa landas tungo sa pagiging holistikong Pilipinong taglay ang ika-21 siglong kasanayan.

Category:
Compare
Description
Level ISBN Authors
1 978-971-655-722-0 Fatima P. Fajardo
2 978-971-655-723-7 Noel P. Miranda
3 978-971-655-724-4 Ivan D. Grulla
Reviews (0)

Reviews

There are no reviews yet.

Be the first to review “MAKABANSA Series (Filipino Version) (1-3)”

Your email address will not be published. Required fields are marked *